Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heneral Kalentong winalis Triple Crown

0 284

NATUPAD ang asam ng kuwadra ni Heneral Kalentong na maukit ang pangalan nito sa kasaysayan ng karera matapos manalo sa 2020 PHILRACOM 3rd Leg Triple Crown Stakes Race nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar – Tanauan City, Batangas.

Inilampaso ni Heneral Kalentong si reigning Philippine Sportswriters Associations (PSA) Horse-of-the-Year awardee Union Bell at iba pang dekalibreng kabayo nang masikwat ang panalo at walisin ang Triple Crown series.

Huling kabayong nakagawa ng sweep ay si Sepfourteen noong 2017.

Ipinuwesto ni former PS A Jockey-of-the-Year Jessie Guce si Heneral Kalentong sa pangatlo sa largahan habang nasa unahan sina Sky Shot at Union Bell.

Papasok ng far turn ay kumukuha na ng pangalawang puwesto si Heneral Kalentong habang nauupos na si Union Bell.

Sa huling kurbada ay kumapit na si Heneral Kalentong kay Sky Shot at saka bumandera sa rektahan.

Impresibo ang ipinakitang performance ng winning horse na pag-aari ni Benjamin Abalos.

Inilista ni Heneral Kalentong ang tiyempong 2:06. 2 minuto sa 2,000 meter race sapat upang kubrahin ni Abalaos ang P1.8M na premyo.

Dumating na segundo si Winner Bidder, tersero si Sky Shot habang pang-apat si Blazing Bullet. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.