Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heneral Kalentong wawalisin ang TC

0 244

PANGARAP ng mga horseowner, trainer at jockey na masungkit ang tatlong leg ng Triple Crown Series upang maukit ang kanilang pangalan at kabayo sa history ng karera.

Kaya naman tiyak na lalahok si 1st leg winner Heneral Kalentong sa pangalawang leg ng Triple Crown.

Kasama si Heneral Kalentong sa mga idineklarang sasali sa 2020 Philracom 2nd Leg Triple Crown Stakes race sa Oktubre 31 sa Santa Ana Racing Park sa Naic, Cavite.

Bukod kay Heneral Kalentong na pag-aari ni Benjamin Abalos, sasali rin sina Cartierruo, Four Strong Wind, Prime Time Magic, Runway at Sweet Spot.

Ang nasabing event ay inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

“Isa ‘yan sa mga inaabangan namin, malalaman natin kung talagang magaling si Heneral Kalentong,” wika ni Dominador Escalante, beteranong karerista. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.