Una sa Balita

Henares niresbakan ang pagsawsaw ni Greta kay Kris

0 1,058

BINUWELTAHAN ni dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ang aktres na si Gretchen Barretto sa mga alegasyon nito na umano’y kasabwat siya ng ‘Queen of All Media’ na si Kris Aquino para mapababa ang buwis ng businesswoman na si Alice Eduardo.

“The allegation of Ms. Barretto that people can come to me and fix their tax problem without paying the right amount is straight out of comedy script,” bahagi ng mensahe sa Facebook post ng dating komisyuner noong administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino.

“It is a well known fact that not even my own family enjoyed any preferential service or treatment, much to their disappointment,” dagdag pa nito.

Ang tugon ni Henares ay may kaugnayan sa paratang ni Gretchen, na isa sa tinaguriang ‘ST (sex trip) Queen’ noong dekada 80 kasama sina Cristina Gonzales, Rita Avila at Rina Reyes ng Regal Films, na bahagi ito ng pagmamaniobra sa buwis ni ­Eduardo.

Aniya, mistulang hango sa comedy script ang bintang laban sa kanya.

Aniya, kailangang maging ma­ingat ang akres sa pag-aakusa ng mga bagay na walang katotohanan.

“I strongly suggest that Ms. ­Barretto apply more restraint ang thoughtfulness in her statement,” dugtong pa ng dating opisyal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy