Una sa Balita

Hen Kalentong paborito sa Road to Triple Crown

0 275

NAKATUTOK ang mga kareris­ta kay Heneral Kalentong na tatakbo sa Mayor Menchie A. Abalos Road to Triple Crown Trophy Race ngayong araw sa Metro Turf, Malvar – Tanauan City, Batangas.

Sasakyan ni class A rider Kelvin Abobo ang pinatok ng mga karera tipster sa programa na si Heneral Kalentong. Pero inaasahang mabibigyan ito ng magandang laban sa distansyang 1,600 meter race.

Ang mga hahadlang kay HK sa pagsilo ng P450,000 na premyo ay sina Radio Gaga, Lucky Sa­vings, Parokya Ni Paolo at Maysilo.

“Magandang laban iyan, makikilatis ang tikas ni Heneral Kalentong,” saad ni Jony Fajardo, isang mananaya sa OTB.

Hahamigin ng second placer­ ang P168,750 habang may P93,750 at P37,500 ang mga pupuwesto sa third at fourth, ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap pa ng trophy winning horse owner, trainer at jockey sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More