Una sa Balita

Hemsworth nag-file ng diborsyo, bad trip sa halikang Cyrus-Carter

0 412

Mukhang wala nang pag-asa na magkaroon pa ng re­conciliation ang estranged couple na sina Miley Cyrus at Liam Hemsworth dahil nag-file na ng divorce ang isa sa kanila.

Si Liam ang nag-file ng divorce sa Los Angeles and cited “irreconcilable diffe­rences” as the reason.

Ayon sa TMZ, wala raw children at wala rin silang ironclad prenuptial agreement. The divorce is expected to be fairly cut and dry.

The date of the separation is listed as “TBD” or “To Be Determined”.
Nag-file ng divorce si Liam after two weeks na i-announce ng dalawa ang kanilang paghihiwalay pagkatapos silang ikasal noong nakaraang December 2018 sa Nashville, Tennessee.

Ten years din ang on-and-off relationship ng dalawa from the time na nagkakilala sila sa set ng pelikulang “The Last Song” in 2010.

Gusto na raw na mag-move on na ni Liam mula sa failed marriage na ito with Miley. Pero naringgan pa noon si Miley na gusto niyang ayusin ang pagsasama nila ni Liam.

Pero ginulat nga ni Liam ang pamilya niya at ang pamilya ni Miley sa inihain na niyang divorce.

Ayon naman sa People Magazine: “They’re not on the same page when it comes to a lot of fundamental things that make a relationship work.”

Since the split, naglabas ng bagong song si Miley titled “Slide Away” na patungkol sa pagtatapos ng marriage niya kay Liam.

Nakunan pa a few weeks ago si Miley na kahalikan nito ang rumored girlfriend niya na si Kaitlynn Carter sa Italy. And just recently, nakunan silang naghahalikan sa Los Angeles.

Noong makita raw ni Liam ang photos, ito raw marahil ang dahilan kung bakit nagpursige siyang mag-file ng divorce. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy