Una sa Balita

Helushka rarampa sa ‘Magic Millions’

0 268

WALONG tigasing kabayo ang naghayag ng pagsali sa magaganap na KDJM Magic Millions Australia Stakes Race na pasisibatin sa Nobyembre 24.

Isa sa mga markadong kabayo si Helushka na reren­dahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce.
May P500,000 ang ikakalat na premyo kung saan P300,000 ang mapupunta sa magkakampeon.

“Tiyak na maghahanda nang todo ang ibang kasali kaya mahirap na laban ito, gagawin na lang namin lahat para manalo,” hayag ni Guce anak ni former star jockey at legend Jesus ‘El Maestro’ Guce.

Ang ibang kalahok sa event na may distansyang 1,500 metro ay sina Hidden Light, Garantisado, Divine Zazu, Ginuhit Ng Tadhana, Fort McKinley, Mini Model at Vivid Pink.

Nakalaan ang P112,500 sa owner ng pangalawang kabayong tatawid sa meta, hahamigin ng third at fourth placers ang P62,500 at P25,000 ayon sa pagkakasunod.

Tatanggap din ng tropeo ang mga winning horse owner, trainer at jockey. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy