Una sa Balita

Helushka impresibo sa Condition race

0 224

MISTULANG nag-ensayo lang si outstanding favorite Helushka nang mapanalunan ang Condition Race Category 16 nitong Sabado ng hapon sa Metro Turf Malvar-Tanauan City, Batangas.

Parang sibat na lumabas ng aparato si Helushka na sinak­yan ni class A rider RM Garcia, nahawakan agad ang apat na kabayong abante sa backstretch.

Papasok ng far turn ay nasa pitong kabayo na ang lamang ni Helushka sa segundong si Milford Sound na sinakyan naman ni class A jocket Mark Angelo Alvarez.

Sa rektahan pa lang ay kampante na sina Helushka at Garcia sa unahan.

Ayon sa sikat na race caller na si Ira Hererra, parang pag­lalakad lang sa park ang pagkapanalo ni Helushka.

“Sobrang galing, kahit sino pasakayin mo basta kumapit lang ‘yung hinete ay manana­lo,” nakangiting sambit ni Carlito Dalusong, isang karerista.

Tinawid ni Helushka ang meta na may walong kabayo ang distansya sa nasegundong Milford Sound, tumersero si Morning Girl habang pag-apat si Baisakhi.

Nirehistro ni Helushka ang impresibong 1:23 minuto sa 1,400 meter, at ayon sa mga beteranong karerista ay pang stakes race ang tiyempo.

“Puwedeng isabak sa stakes races, ihanda lang nang ma­ayos,” ani Rodito Agoncillo, isa ring racing aficionado. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy