Una sa Balita

Helper binoga sa inuman

0 278

Kritikal ang isang helper nang barilin sa ulo ng hindi kilalalang gunman, Linggo nang gabi sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center ang biktimang si Raymond Murillo, 22-an­yos, helper, residente ng No. 7 Orchids St., Barangay Longos ng nasabing lungsod.

Mabilis na umeskapo ang suspek lulan ng motorsiklong walang plate number.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:30 nang gabi, nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan si Murillo sa kahabaan ng nasabing barangay.

Biglang sumulpot ang suspek saka bu­maba ng motorsiklo at binaril ng isang beses sa ulo ang binata.

Natulala naman sa sobrang takot ang mga kainuman ng biktima at pinanood na lamang ang papatakas na rider.

Sabi ni Evangeline Murillo, ina ng biktima, may nakaalitan daw ang anak niya noong Nobyembre 24, 2019 na si Jerry Saal­vedra.

Nagsalita pa umano sa kanya si Saalvedra ng “May araw din ang anak mo”, bagay na hindi ipinagwalang bahala lang ng ginang
Sa ngayon ay person of interest ng pulis­ya si Saalvera.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy