Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Helper binigti sa sinturon ang sarili

0 110

Wala ng buhay nang makita ng kanyang kapatid ang isang 29-anyos na helper habang nakabigti sa loob ng kanilang kuwarto sa Dagupan Extn., Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Dinala pa ng kanyang kapatid na si Ryan sa Ospital ng Tondo si Joel Jose ng No. 2057 Dagupan Extn., Tondo, pero hindi na rin ito naagapan.

Sa imbestigasyon ni P/SMS. Jason Ibasco ng Manila Police District-homicide section, magpapahinga na sana umano si Ryan pero nagulat siya nang pagpasok niya sa kanilang kuwarto ay nakita niyang nakabitin ang ka­patid gamit ang nylon   sinturon bandang alas-11:00 ng gabi.

Humingi ng tulong si Ryan sa kanilang mga kaanak at kapitbahay para maibaba ang kapatid.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng pagpapakamatay nito. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.