Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Hello world! Shabay-shabay ha!’ Toni sa ‘Lupang Hinirang’ inalmahan

0 1,068

Panahon talaga ni Toni Gonzaga, ha!

Waging-wagi nga ang YouTube channel niya, na kahit sinong i-guest niya, humahamig ng ‘views’, ha!

Kung noon ay ang panalong-panalo si Toni sa ‘cancel culture’, na bawat gawin niya sa social media, o sa YouTube, super react ang mga netizen, at agad-agad ay kina-cancel siya.

Pero ngayon nga, kuhang-kuha na ni Toni ang kiliti ng mga netizen. Na kahit sabihin pang marami ang naiirita sa kanya, hindi maitatanggi ang sangkatutak na nanonood sa kanyang YouTube channel.

May 6.09M subscriber na siya sa YT. At ang mga content niya ay milyon palagi ang nakatutok. At madalas ay nagti-trending ito sa YT.

Siyempre, ang interview niya kay Pres. Bongbong Marcos pa rin ang highest sa views. May 16M na ito sa kasalukuyan.

Sinundan ito ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, na may 12M view na. Ganun din si Zeinab Harake na may 12M na rin.

Well, mas maraming follower, subscriber pa rin si Alex kay Toni, dahil naka-12.7M na ang bunso.

At pagdating sa paramihan ng views, waging-wagi pa rin si Alex, dahil ang content niya na ‘Chambe’ ay may 31M view na. at ang chikahan nila ni Sen. Raffy Tulfo ay  may 27M na, ha! Pati na ang house invasion niya kay Tulfo ay may 19M na rin.

Mahirap na ngang tibagin ni Toni si Alex pagdating sa YouTube.

‘Yun nga lang, hindi rin kayang tibagin ni Alex si Toni pagdating sa usapin sa gobyerno. Lalo na ngayon na si Toni ang kakanta ng Lupang Hinirang sa inauguration ni Pres. Bongbong Marcos.

Trending nga si Toni sa Twitter, dahil sa halo-halong reaksiyon ng mga netizen. Nandiyan pa rin ang mga kalaban ni Toni, na nagsasabing wala siyang karapatan.

Ang iba ay dinaan sa biro, na baka raw biglang sumigaw si Toni ng ‘Hello World’ bago ang pambansang awit. Na baka raw pag hindi naabot ni Toni ang tono ng ‘Lupang Hinirang’ ay magsabi ito na, ‘oh, shabay-shabay tayo, ha!’

Well, sabi ko nga, namamayapagpag talaga si Toni ngayon, di ba? Na kahit anong lait pa ang sabihin ng iba, siya pa rin ang mas pinipiling makasama ng mga supporter ni BBM.

At hirit ng mga nagmamahal kay Toni, na kasama nga sa 31M na bumoto kay President Marcos, marunong kumanta si Toni, may sumikat siyang kanta, kaya hayaan siyang bigyan ng justice ang ‘Lupang Hinirang’ no! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.