Una sa Balita

Hello or goodbye?

0 185

Ang pinaghalong ­patak ng ulan, ­hampas ng hangin sa puno o ­ha­laman, malamig na ­panahon na hatid ng ­amihan at ­habagat ­habang ­umiinom ng mainit na kape sa oras ng agaw ­dilim ay perfect ­setting para ­magmuni-muni o ­pag-iisip ng malalim. Ang tawag ng iba rito ay pagbubulaybulay o ­pagdidilidili.

Nakakapresko at ­nakapagpapakalma ang meditation, careful thinking, awareness of thought and breathe o contemplation.

Swak din sa ­panahon ng ­habagat ang ­visioning o ang clear and ­mental ­picture of the ­future. ­Nagsisimula ito sa ­pag-alam kung ­nasaan tayo sa ­kasalukuyan at kung ano at saan ­natin nais na ­marating o ­makarating sa ­hinaharap.

“Sabi nila, balang araw darating ang iyong tanging hinihiling,” ayon sa isang awit.

Dahil ang nakaraang linggo ay inilaan para ipagdiwang ang araw ng mga lolo at lola, isa sa ­visioning tool na ­maaaring subukan ay ang rocking chair life vision. Sa paraan na ito, magpapanggap kang isang ­“super senior citizen” at ­iisipin na ikaw ay 90 ­taong gulang, malusog pa kahit papaano, at masaya ang buhay. Magbabalik-tanaw ka sa iyong buhay at ang iyong mga narating o lifetime achievement. Maaaring isulat o iguhit ang bawat mahalagang kabanata ng iyong buhay.

Ano kaya ang ­inyong magiging pakiramdam habang nagta-time ­travel ka? Ano kaya ang mga ­daraanan mo na ­nakalipas? Mayroon ­kayang mga ­bagay na nais mo na balikan o kalimutan? Mayroong bang mga bagay na ­gusto mo na baguhin o masasabi mo na sana ay ginawa mo? Mayroon ka kaya na tao, bagay, lugar o pangyayari na madidiskubre na di mo pinansin noon sa pag­silip mo sa nakalipas?

Marami sa atin ang sanay nang mabuhay sa ating comfort zone. ­Panatag, hindi nanga­ngamba, walang alinla­ngan at no stress para sa ilan kung hindi sila luma­labas sa kanilang safe mode. Ayon sa iba, ­hindi ­naman ­masama ito. Ayon sa ilan, ­kuntento na sila at hindi na kailangang sumubok ng iba o manatili na ­lamang sa isang kina­lakhang lugar, ­matagal nang puwesto o kasalukuyang estado sa buhay. Para naman sa iba na ­nagtratrabaho ng walong oras kada araw, nakikipagsiksikan sa MRT ­pagpasok, papunta, o pag-uwi galing sa opisina o pabrika, nakikisama sa salbaheng amo, pinagkakasya lang ang ­sahod, kumportable pa rin sila sa buhay. ­Minsan dahil sa takot na maiba sa ­nakasanayan, ayaw na nilang iwan ang kanilang pagiging ­chillax (chill at relax).

Maraming pagkaka­taon ang kumakatok sa ating buhay ngunit ­dahil napapangungunahan tayo ng takot o pangamba ay hindi natin pinapansin o kaya ay pinalalampas lang dahil hindi ito ang nakasanayan natin.

Hello future or ­goodbye past? Ready ka na bang kalimutan ang nakaraan, talunin ang takot at buksan ang bagong kabanata ng iyong buhay?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy