Una sa Balita

Hello Junior lamang sa PHILRACOM-RBHS race

By
0 231

MAY 12 karera ang pakakawalan ngayong araw ng Linggo sa Metro Turf Malvar-Tanauan City, Batangas, sisimulan ito sa alas-2:30 ng hapon.

Unang masisilayan ang labanan ng siyam na kabayo sa PHILRACOM-RBHS kung saan ang distansya ay 1,400 meters.

Inaasahang bebenta sa takilya ang kalahok na Hello Junior na rerendahan ni class A rider RM Garcia.

Ayon sa mga beteranong kareris­ta, posibleng magbigay ng laban ang magka-kuwadrang Tellmamailbelate at Musikera at dehadong Rosario Princess.

“Maraming magagaling na kalaban si Hello Junior, lamang siya pero hindi siya nakasisiguro na mananalo,” saad ni Pablito Legaspi.

Ang ibang kalahok ay sina Keen Alisha, Take Advantage, Whatdreamsmaycome, Kissing Bandit at Security Gem.

Nakalaan ang P10,000 para sa winning horse owner na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy