Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Hello Hollywood: Aktres goodbye Philippines na

0 754

May chikang nakarating sa amin tungkol sa isang aktres na hindi masyadong naging aktibo sa kanyang showbiz career nitong Covid-19 pandemic.

Mas gusto na raw ni aktres na subukang magka-career sa Amerika.

Pati kaya ang aktor na karelasyon niya ay iyon na rin ang gustong mangyari sa career nito?

Heto pa ang chika, Dondon (my dear editor), dahil gusto raw ni aktres na mag-try sa Hollywood, iiwan na raw niya ang nag-aalaga ng kanyang career dito sa Philippines.

May mga nakakaalam na sa plano ni aktres, pero ang hindi lang ako sure ay kung siya ba ang nagkuwento ng tungkol doon o nasabi ‘yon ng kanyang manager sa ibang mga kakilala?

Eh, si aktres, may mga kakilala rin na mga Pinoy sa Amerika na may Hollywood connections kaya hindi nga naman impossible for her na subukang magka-career doon.

Well, sana nga palarin siya, pati na ang kanyang aktor na boyfriend (kung may Hollywood dream din ito), ‘noh?!

‘Yun lang!

Ruffa enjoy sa Sexy Babe

In fairness sa Kapamilya Network, talagang ang lakas pa rin ng kanilang TFC (The Filipino Channel), pati na rin ng kanilang YouTube channel na puwede nang mapanood abroad dahil nang batiin ako ni Ruffa Gutierrez ng happy birthday sa ‘It’s Showtime’ noong Wednesday (late ng isang araw), aba, ang daming friends ko abroad ang biglang nag-message, huh!

Yes, Dondon, kahit walang franchise sa free TV ang ABS-CBN, ang bongga pa rin naman nila sa lahat ng platforms na napapanood ang kanilang mga show.

Anyway, tuloy-tuloy si Ruffa sa pagiging isa sa Authori-Team ng ‘Sexy Babe’ segment ng ‘It’s Showtime’.

Enjoy raw si Ruffa sa nasabing show dahil para silang isang malaking pamilya.

Ang maganda pa, paiba-iba ang mga kasama ni Ruffa sa segment na ‘yon kaya nakakatuwa na nakakatrabaho niya ang iba’t ibang Kapamilya stars.

Bongga!

Leave A Reply

Your email address will not be published.