HEIGHTENED ALERT SA BIRD FLU

By

Nakataas na sa heightened alert status ang Department of Health (DOH) para ma-contain ang bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga.

Ayon kay Health Sec. Paulyn Ubial, sa ilalim ng heightened alert, lahat ng ospital at health facilities sa Pampanga ay nasa heightened monitoring dahil sa banta ng avian flu virus.

Obligado rin ang local health officials na isailalim sa pagsusuri ang mga indibidwal na makikitaan ng sintomas ng trangkaso o influenza-like illness.

Unang kinumpirma ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol outbreak ng avian influenza Type-A, sub-type H4 sa isang quail farm na kumalat sa poultry farms sa Barangay San Agustin sa bayan ng San Luis.

Tiniyak ni Ubial na nakatutok ang DOH sa kaso ng bird flu sa Pampanga upang makontrol ang pagkalat nito sa iba pang poultry farms.

Nagpadala na rin ng mga epidemiologists sa Pampanga upang tumulong sa Department of Agriculture at may nakahanda na rin umanong 3,000 test kits na nakalaan sa mga susuriin sa Central Luzon.

“Ang talagang at risk diyan ay ‘yung poultry handlers at saka yung nagkakatay ng manok. Pero ‘yung kumakain ng manok wala na pong risk yan kasi naluto na yung manok at hindi naman sa pagkain nata-transmit ang virus,” paglilinaw ni Ubial.

SHARE