Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heaven naloka sa ‘pagkamatay’ ni Barbie

0 84

Malakas ang paniniwala ni Heaven Peralejo (Tisay) na hindi nagpakamatay si Barbie Imperial (Cai) at patutunayan niya ito sa huling tatlong linggo ng “Bagong Umaga.”

Nang huling magkausap nang harapan ang dalawa, hindi naman nagparamdam si Cai na siya ay magpapakamatay. Lalo pang lumakas ang kutob ni Tisay nang malaman na minadali ng nasabing ospital ang pagpapaembalsamo rito.

Dala ng galit sa pagdidiin ni Tisay kay Cai sa pagkamatay ni Gab, sinisi pa ni Yves Flores (Dodong) sa nangyari.

Hindi nila alam na tama ang hinala ni Tisay at talagang sinadyang patayin ni Diana si Cai bago pa nito mabunyag ang lahat ng ginawa niya.

Mapatunayan kaya ni Tisay na si Diana ang may kagagawan nito?

Sundan ang huling tatlong linggo ng “Bagong Umaga: sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.