Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heaven, Kiko split pinagbunyi ng mga fan

0 55

Nakakaloka, na nakakatawa ang reaksiyon ng mga netizen sa ‘hiwalayan’ nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo, ha!

Mula sa lambingan nila sa Instagram na pinost nila pareho, at todo pagtatanggol ni Kiko kay Heaven sa interview sa kanya ni Ogie Diaz, hanggang sa nagbura ng mga photo si Kiko, nag-unfollow kay Heaven, at heto nga, nagbura na rin ng mga photo nila, nag-unfollow na rin si Heaven kay Kiko, puro lait ang reaksiyon ng mga fan.

“Wala kaming pakialam! Walang kwenta!” sabi ng ibang fan.

“Teka, baka prank lang yan. Pero sana totoo na ha!” say ng iba.

Anyway, for sure, kay Gino Roque naman mali-link si Heaven, dahil magkasama sila sa movie na ‘Pasabuy’ na mapapanood sa WeTV. May presscon sila sa Sept. 22, at sige nga, tingnan natin kung may chemistry ba sila.

Ang ‘Pasabuy’ ay mula sa direksiyon ni Xian Lim. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.