Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heaven ‘di type ligawan ni Tony

0 229

Naging sobrang apektado pala si Heaven Peralejo sa kasagsagan ng issue niya noong Setyembre na humingi raw siya ng pera sa ex-boyfriend niyang si Jimuel Pacquiao at sa pamilya nito.

“At that time po kasi sobrang alam niyo po ‘yung sumabog na po ako. Hindi ko na kaya na ganoon ang perspective sa akin ng mga tao kasi hindi naman totoo and nasasaktan ‘yung mom ko. For me, mas masakit makita ‘yung mom mo na nasasaktan,’ sabi ni Heaven.

Chika pa ng dalaga, hindi na raw sila nag-uusap ni Jimuel noong sumabog ang chismis pero na-appreciate niyang kinamusta siya nito.

Nagpasalamat din si Heaven kay Jinkee dahil to the rescue daw ito at ang pamilya Pacquiao para ipagtanggol siya at pabulaanan ang chismis.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At kung nakahanap siya ng kakampi sa mga Pacquiao, nandiyan din naman ang “Bagong Umaga” co-star niyang si Tony Labrusca para purihin ang aktres dahil napakabait daw nito sa set.

Pareho raw sila ni Heaven na medyo baguhan pa sa industriya kaya naa-appreciate niya ang pagiging mapagbigay nito sa mga eksena nila. “Inaalagaan niya ako sa mga eksena namin. Kakampi kami,” sey ni Tony.

Pero kung inaasahan natin maging true to life ang kanilang on-screen romance, hindi raw muna mangyayari ‘yun sa ngayon.

“Puwede bang friends muna. We are just getting to know each other pa, tapos sobrang solid pa ng bonding namin kaya parang mas okay na maging close muna kaming lahat,” sabi ni Tony. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.