Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heaven desididong talbugan si Julia

0 157

Laking pasasalamat ni Heaven Peralejo dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na dapat sana ay kay Julia Barretto sa Bagong Umaga (dating Cara Y Cruz). Hindi na nga ito nagawa ni Julia dahil lumipat na siya sa Viva Artist Agency mula sa Star Magic.

Pero siyempre, sobrang pressure rin kay Heaven, dahil inaabangan talaga ng mga fan, at ng mga detractor niya ang performance niya. Titingnan nga nila kung may karapatan ba talaga siyang saluhin ang nilayasan ni Julia.

“Sobrang thankful ako sa production sa mga direktor, sa ABS-CBN for giving me this opportunity. Nagsisimula pa lang ako, at binigyan nila ako ng chance to showcase kung ano ang kaya kong ibigay sa Kapamilya. Pressured din, pero gagalingan ko para matuwa ang mga viewers.

“Ginagalingan ko talaga every scene, at nandiyan naman ang mga direktor para tulungan kami. Sobrang galing din ng mga cast-mate ko, at madadala ka talaga sa galing nila,” sabi ni Heaven, na isa nga sa mga bida ng Bagong Umaga.

Well, kailangan ngang ipakita ni Heaven na mahusay siya at kaya niyang talbugan si Julia, para hindi magsisi ang mga taong nagtiwala sa kanya. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.