Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heat yumuko sa Nets ‘Big 3’

0 358

SIMPLENG tribute lang ang ginawa ni Kyrie Irving ng Brooklyn para kay Kobe Bryant sa unang taong anibersaryo ng kamatayan ng Lakers legend.

Dumating si Irving sa Barclays Center sa Brooklyn kahapon na suot ang No. 8 Lakers jersey ni Kobe.

Naglalakad papasok ng arena, hinawi ni Irving ang coat para ipakita ang nasa loob.

Nag-ambag si Irving ng 16 points, may tig-20 sina James Harden at Kevin Durant, at nilambat ng Brooklyn ang Miami Heat 98-85.

Tahimik ang first three quarters nina Harden at Durant pero nagawan ng paraan para makuha ang panalo nang kumalas sa fourth. Tinalo din ng Nets ang Heat 128-124 noong Sabado.

May 10 points sa apat na tira lang si Harden sa first 36 minutes bago umiskor ng 10 pa sa 18-2 burst na nagbigay sa Nets ng 96-80 lead.

Nagsumite ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists si Bam Adebayo, may 21 markers si Goran Dragic sa Miami na iniinda pa rin ang pagkawala nina Jimmy Butler at Avery Bradley (safety protocols), at sina Tyler Herro, Meyers Leonard at Maurice Harkless dahil sa injuries. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.