Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heat masugid kay Giannis

0 229

ITINALI raw ng Heat si Bam Adebayo sa max contract extension na five-year, $163 million.

Puwede pang umakyat sa super-max $196 million kung magiging Defensive Player of the Year siya o mapapasama sa isa sa tatlong All-NBA Teams next season.

Paano na ang pitch kay Giannis Antetokounmpo?

Maraming naniniwala na susubukan ni Antetokounmpo ang free agency pagkatapos ng 2020-21. Isang taon pa siya sa Bucks.

Max si Adebayo, gipit na sa salary cap ang Miami sa 2021.Kakapusin ng asset para habulin si Antetokounmpo. Isa ang Heat sa sinasabing magiging masugid na manliligaw ng Greek Freak.

Iisa ang agent nina Antetokounmpo at Adebayo – si Alex Saratsis.

Baka lalong maengganyo si Antetokounmpo na mag-impake ng Milwaukee para lumipat sa Miami.

Via Barry Jackson ng Miami Herald:

“A source who knows Antetokounmpo well said he would be more impressed by the Heat giving Adebayo the extension now than asking Adebayo to wait a year for the purpose of making it easier for the Heat to acquire Antetokounmpo.”

Puwede.

Kuwentahin lang na kahit sina Adebayo, Tyler Herro at Jimmy Butler na lang ang maiiwan sa roster ng Heat pagkatapos ng 2020-21, kapos pa rin ng max space para tapatan ang kalibre ni Antetokounmpo. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.