Una sa Balita

Heart tinawag na peke

0 533

Tinawag na “artificial” o sa madaling salita, “fake,” “peke” ng isang netizen si Heart Evangelista sa Twitter.

Sa pamamagitan din ng kanyang Twitter account, ni-retweet ni Heart ang tumawag na ito sa kanya at sinagot.

Sabi sa tweet, “I don’t hate Heart Evangelista naman, but why does she seem so artificial? Not hating, just wondering.”

Nag-reply si Heart dito at sa bonggang sinagot na hindi raw kailangang “mag-wonder” o maging palaisipan pa sa netizen kung artificial o fake siya rito.

Sey ni Heart, “You don’t have to wonder. Just don’t care. We are different but that’s still fine. Wonder about other things that make your heart spark.”

Pinuri naman si Heart ng ibang netizen sa naging sagot nito. Na very Heart na classy lang daw.

Rocco napagkamalang si Jin Goo

Nag-post si Rocco Nacino ng throwback photo niya sa kanyang Instagram na nakasuot ng green beret hat. Three years old pa lang daw siya that time.

Since isa sa mga Special Forces ang ginagampanan ni Rocco sa primetime series nila ni Dingdong Dantes, sigurado kaming hinalungkat pa ni Rocco sa baul ang picture para lang mai-share sa kanyang mga follower.

Sey ni Rocco, “Bata pa lang si Diego, nangarap na siyang maging bahagi ng Special Forces.”

Sa lahat ng cast, si Rocco na ang dati pang nababanggit kahit noong kasikatan ng Korean version nito dahil sa nakita ng Pinoy netizens na malaking pagkakahawig niya sa Korean actor na si Jin Goo na na siyang ginagampanan niya ngayon bilang si Wolf.

Kuwento nga niya, kahit dati raw, nagugulat siya na wala naman daw siyang event or anything, biglang ang daming tag sa kanya sa social media. Nang tingnan nga niya, ‘yong pagkukumpara sa kanila ng Korean actor.

Ang serye nila ni Dingdong ay dumating kay Rocco last year na nakasalang na sana siya at nag-story conference na sa ibang serye. Pero wala raw regret si Rocco na hindi niya itinuloy ang afternoon series at pinili niya ang DOTS.

Proud si Rocco na nakikita siya ng mga tao na may malaking pagkakahawig sa Korean actor at dream come true rin sa kanya ang gumanap na isang sundalo.

Sa isang banda, kung marami nga ang kinikilig kina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, iba rin ang chemistry at kilig naman kina Rocco at Jasmine Curtis-Smith.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More