Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart tinanghal na fashion influencer sa France

0 152

Umabante na naman nang milya-milya si Heart Evangelista sa mga kapwa niya Pinoy celebrity, dahil sa natanggap na recognition mula sa prestigious at sikat na magazine sa France na Forbes France.

Inihanay lang naman si Heart sa sampung fashion influencer sa social media. Hindi residente si Heart sa France pero napili pa rin sya.

SM food to go Banner Ad

Nagpasalamat si Heart sa kanyang tweet sa Forbes France kalakip ang larawan ng isa ring influencer at ang list ng mga kapwa nila fashion influencer na kuha sa kani-kanilang Instagram account.

Makikita na pang-sampu sa listahan ang pangalan ni Heart.

Well, kahit naman bago pa nagpandemya humakot na si Heart ng atensyon sa mga fashion show sa France sa mga pagdalo niya sa mga ito, suot ang iba-ibang signature brand. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.