Una sa Balita

Heart sinugod ng asawa sa China

By
0 1,036

Napuno ng kasiyahan ang bakasyon ni Heart Evangelista nu’ng makumpleto ang tinatawag nitong pamilya. Dumating sa China si Senator Chiz Escudero kasama ang kanyang mga anak.

Naka-post sa Instagram wall ni Heart ang ilang mga larawang kuha sa isang lugar sa China, kasama ang mga nabanggit. Sa caption ng photo, makikita ang wagas na kasiyahan sa mukha ni Heart na makita ang kanyang mga mahal.

Nakasaad din sa caption na matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito na magkasama-sama silang muli. 

Matatandaang sa tuwing maglalamyerda sa abroad si Heart, ang mga ito at ang ilan mga piling-piling mga kaibigan ang madalas niyang kasama.

“I’ve been wanting for this day for forever! I’m finally reunited with family in China! I can’t wait to spend a day with this bunch.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy