Una sa Balita

Heart pinarangalan ng LGBTQ community

By
0 240

Malapit nga kay Heart Evangelista ang rainbow community kaya nang tumanggap ito ng Equality Champion Award na iginawad sa kanya ng LGBTQ community ay naka-rainbow din siyang palda. O, ‘di ba?

Known nga ang Kapuso actress bilang isa sa mga sumusuporta sa causes ng ating mga kafatid kaya ayon sa ka­ramihan, well-deserved niya ang rainbow trophy na ito.

Hindi lamang sa a­ting mga ka-familia kilala si Heart sa pagsuporta kundi maging­ sa mga may kanser, sa mga hayop at kung a­nik-anik pa.

Ayon sa kanya, hangga’t may kakayahan siyang tumulong ay buong puso niya itong gagawin, may award man o wala.

Sa kanyang IG post, hinihikayat nga niya ang iba pang mga Pinoy to do the same dahil ‘yun naman daw talaga ang kailangan natin sa ngayon para mas ma­ging masaya ang ating mundo- love, respect, equal rights, at iba pa.

Naman!