Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart pinaligaya ang musikero sa Sorsogon

0 366

Patuloy sa pamamahagi ng mga biyaya si Heart Evangelista, at isa sa mga nabigyan niya ay isang musikero sa Sorsogon. Binigyan ng bagong saxophone ni Heart ang isang lalake na madalas nilang marinig tumutog sa harap ng Kapitolyo ng Sorsogon.

Pinoste pa ni Heart ang larawan nilang dalawa ng lalake, habang hawak niya ang ibinigay na donasyon sa huli.

Ayon kay Heart, silang dalawa ng kanyang asawang Gobernador ng Sorsogon na si Chiz Escudero ang nag-donate ng saxophone.

“Heard about Csaean who plays beautiful music at the Capitol. @escuderochiz and I decided to give him his very own saxophone so he can continue to entertain Sorsoganons who love to stroll around at night – practicing safety measures, of course,” sey ni Heart.

Magkalayo sina Heart at ang musikero sa photo nila. Pareho rin silang naka-face mask. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.