Una sa Balita

Heart pinag-awayan nina Lady Love, Panda

By
0 589

Marami ang natuwa sa mga pinost na Instagram Story ni Heart Evangelista-Escudero tungkol sa pino-foster niyang puppy ngayon na pinangalanan niyang Lady Love.

Nasa pa­ngangalaga ito ni Heart ngayon habang naghihintay ito ng may mag-aampon dito. Habang nasa poder ni Heart ang tuta, kina­tutuwaan niya ito at panay ang post niya kay Lady Love sa IG Story.
Heto ang ilang captions ni Heart sa kanyang foster puppy:

“Hello there lady love. Fostering this baby for a while. #adoptdontshop Hay… Akin ka na lang”
“Howwwww to unlove this lady love #aspin #adoptdontshop #foster”

Kung tuwang-tuwa si Heart kay Lady Love, mukhang hindi naman natutuwa ang kanyang aso na si Panda. Makikita sa mga IG Story ni Heart na parang nagtatampo at nagseselos ito na may ibang aso na kinagigiliwanan ang kanyang amo.
Sa isang post ni Heart, makikita si Panda na nakayuko lang ang ulo na parang malungkot ito. Nilagyan ito ng caption na “Not happy about this” sabay may arrow na nakaturo kay Panda.

May isa pang post kay Panda na makikita ang selos sa mga mata nito. Ina-assure naman ni Heart na si Panda lang ang number one dog sa puso niya. At responsibilidad niyang ala­gaan muna si Lady Love habang wala pang nag-aampon dito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy