Una sa Balita

Heart nasarapan sa ‘quick-quick’

0 463

Alam naman ng lahat kung gaano kasosyal si Heart Evangelista kaya sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na alamin ang mga cute little secrets nito, talagang nagti-trend ito.

Pangalawang pagkakataon na ng comedian vlogger na si Mimiyuuuh na maka-collaborate si Heart sa kanyang vlog.

Sa pangalawang episode na kasama ni Mimi si Heart, nilatagan niya ang aktres ng samu’t saring street foods para alamin kung ano nga ba ang kaalaman ni Heart o kung na-experience na kaya nitong kumain ng mga pagkaing karaniwang makikitang binibenta sa kalsada.

Bentang-benta sa mga fan nang confident pang sinabi ni Heart na ang alam niyang street food ay ‘yung “quick-quick”, which is ang “kwek-kwek”.

Sobra silang na-cute-an kay Heart dahil napaka-natural ng kanyang facial reaction at paghalakhak nang ma-realize ang kanyang pagkakamali nang sinopla siya ni Mimiyuuuh na kwek-kwek ‘yon at hindi quick-quick.

Agad nga ring bumuhos ang maraming meme tungkol dito sa social media.

Halatang-halata ang sobrang pagka-sosyal ni Heart dahil sa mga natural na sagot nito sa chikahan nila ni Mimiyuuuh. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy