Una sa Balita

Heart napagkamalang ‘nanay’ ng pusang kalye

0 660

Ni Athena Yap

Pumukaw sa atensiyon ng mga fan ang inuwi ni Heart Evangelista na Pusang Kalye na natagpuan sa basurahan. Tuwang-tuwa ang mga fan sa matabang puso ni Heart para sa mga ha­yop na natatagpuan niyang kawawa. Pinangalanan ni Heart na “Linger” ang PusKal.

Tuwang-tuwa rin siya na feeling daw ng pusa ay siya ang mommy nito. Magaan talaga kasi ang loob ni Heart sa mga hayop tulad ng pusa at aso. Advocate pa nga siya sa AsPin association.

Isinama niya si Linger sa kanyang iba pang alaga, at talagang ipinadama niya na pamilya siya.

Actually, Pasko pa nang matagpuan niya ang pusa. Ipinakita niya sa kanyang Instagram story ang pagbabago ng itsura ng pusa mula nu’ng matagpuan niya sa basura at ngayon naman na nasa pangangalaga niya na. Aba, big change talaga! Alagang-alaga ang mga hayop kina Heart.

Marami sa mga fan ay nainggit pa nga sa pusang natagpuan at inampon ni Heart. Gusto raw nilang maranasan ang alagang Heart. Paniguradong busog at puno ng pagmamahal daw.

Ayan, ang dami tuloy kalalakihan ang gusto raw magpaalaga kay Heart!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy