Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart naloka sa talino ni Chiz

0 796

Naloka na naman si Heart Evangelista sa talino ng kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, nang kumasa ito sa hamon ng aktres kaugnay sa unang version ng “Lupang Hinirang”.

Napatutok ng tingin niya si Heart sa sagot ng asawa kung ano ang unang “Philippine National Anthem.”

Nagposte si Heart ng video sa kanyang Instagram na isinasalang niya si Chiz sa isang “question & answer challenge”. Makikita na sinubukan ni Heart ang asawa kung gaano kalawak ang kaalaman nito.

“Ano ang unang Philippine National Anthem?” tanong ni Heart.

“Spanish!” sagot ni Chiz.

“Alam mo ba yun?” ang tila nagdudang tanong muli ni Heart.

“Tapos ginawang English!” tugon ni Chiz.

Sinabi pa ni Heart na kapag nasagot ng asawa ang tanong, tapos na agad. Tanong ni Chiz ay kung ano ang mangyayari.

Kinulit ni Heart si Chiz na sabihin nito ang Spanish version, na sinagot naman ng huli na “Tierra Adorada”.

Ni-recite pa ni Chiz ang buong lyrics nito, na ikinaloka ni Heart, lalo na nang kantahin pa ng asawa ang huling stanza nito.

Teaser lang yan sa ilalabas na vlog ni Heart. Pero sabi nga niya, marami siyang natutunan sa kanyang mister. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.