Una sa Balita

Heart nagwala nang tawaging ‘speciesist’

Super talak sa basher:

By
0 1,055

Sa unang pagkakataon ay uminit ang ulo ni Heart Evangelista-Escudero sa isang basher na tinawag siyang “speciesist” sa social media.

Ayon sa Wikipedia, ang “speciesist” ay “term often used by animal rights advocates, who argue that speciesism is a prejudice similar to racism or sexism, in that the treatment of individuals is predicated on group membership and moral­ly irrelevant physical differences. Their claim is that species membership has no moral significance. It is thought that speciesism plays a role in inspiring or justifying cruelty to trillions of animals per year, in the forms of factory farming, the use of animals for entertainment such as in bullfighting and rodeos, the ta­king of animals’ fur and skin, expe­rimentation on animals, and more.”

Nagsimula ito noong mag-post si Heart sa kanyang Instagram last January 18 na suot ang isang leo­pard printed coat.

Naglagay pa siya ng caption na: “Cozying up in China’s chilly weather.”

May isang netizen na may handle name na @yokomccartney ang nang-bash kay Heart at­ tinawag siyang speciesist dahil sa pagsuot nito ng leopard coat.
“You always say you love animals and yet you continue to contribute to their pain and [suffering] by wearing them. Just please stop saying you love animals, [because] you don’t or you’re a speciesist.”

Kilala ng marami si Heart bilang animal lover at sinusuporta­han niya ang PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) para sa pagligtas ng mga hayop mula sa hindi makataong pagtrato at pagpatay sa mga ito. Advocate din si Heart ng PAWS (Philippine Animal Welfare Society) at tumutulong ito sa proyekto nito na Adopt Don’t Shop para sa mga animal rescue.

Kaya hindi nagdalawang-isip si Heart na sagutin ang basher niyang ito dahil mali ang akusasyon nito sa kanya.

“It’s faux fur from Topshop. So before you bash, think. Plsss think before you type. It’s embarrassing,” reply pa ni Heart sa basher.

Maraming netizen ang nag-react sa ginawang ito ni Heart at tama lang daw na tinuruan niya ang basher na mag-isip muna bago magkomento ng hindi tama.
Na-appreciate naman ni Heart ang mga nag-cheer sa kanya at ito ang ibinahagi niyang mensahe.

“I blocked na lang. Honestly real people would inspire and influence you to do better in the society and never bash you and attack you. I will never be perfect and I will never try to be the person ‘they’ want me to be. I am who am, and as long as I don’t step on anyone and try my best to do good in my own little corner of this world, then I am fine. Hayaan na natin siya.”

Kasalukuyan kasing nasa bansang China si Heart para sa isang project na hindi pa niya nire-reveal.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy