Una sa Balita

Heart nagpasosyal sa gulayan, prutasan

0 634

Walang hindi gagawin si Heart Evangelista mai-showcase lang ang kanyang fashion style, kahit pa mismo sa gulayan at prutasan.

Nakabalandra ang pictorial ni Heart sa loob ng isang supermarket at sa chiller ng mga gulay.

Limang larawan ni Heart ang nakaposte sa Instagram niya na kuha sa loob ng supermarket at sa mga gulayan at prutasan.

Ang nasabing photo post ay bahagi ng interview kay Heart ng Kapuso News Online na kinunan habang nasa loob ng isang grocery ang aktres-fashio­nista.

Sa mga larawan lumabas na parang isang fashion shoot ito ni Heart, dahil super emote siya sa gulayan at prutasan. Marami ang naaliw kay Heart sa drama nito at tinanggap naman ng mga ito ang kabaliwan ng kanilang idolo. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More