Una sa Balita

Heart naglustay ng P100K para sa nawalang aso

0 503

Natagpuan na ang nawawalang aso ni Heart Evangelista, si Casper. Pinasalamatan niya sa Twitter ang driver na nakakita sa puting Maltese na aso na nawala sa bandang New Manila, QC.

“Thank you so much! I am in tears at this event I needed to attend. So touched. Thank you so much to everyone who helped!

“And to the kuya driver that picked him up! Thank you Lord! Casper is home!!!”

Well, ang bongga nga ni Casper, dahil nagbigay talaga si Heart ng pabuya na P100K, ha! Dami ngang nainggit sa driver, dahil daig pa raw nito ang nanalo sa lotto, dahil nga sa pabuya na natanggap niya from Heart.

Kyline sumakit ang singit sa pole dancing

Sumabak sa pole dancing class si Kyline Alcantara sa Pole Hearted ni Ciara Sotto na ipinakita sa programang “Taste Buddies”.

Dahil first time itong ginawa ni Kyline, inalalayan naman siya ng instructor na si Aygell Arcejas. Sumakit nga ang singit ni Kyline sa ginawa niyang ito.

Pero sa bagong series na gagawin, ang TV version ng Nora Aunor movie na “Bilangin ang mga Bituin sa Langit”, mas matinding aktingan ang haharapin niya dahil lalabas siyang apo ni Nora Aunor, huh!

Ai Ai super dasal sa paglipad

Napa-Sign of the Cross si Ai Ai delas Alas habang sakay ng eroplano kung saan ang asawang si Gerald Sibayan ang piloto. Pinasilip ni Ai Ai ang video habang nasa plane siya at kung gaano kataas ang lipad ng eroplano.

Malalaman sa YouTube channel niya ang naging feeling habang nasa eroplano na ang asawa niyang piloto, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy