Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart naglilihi sa kamias, santol?

0 518

Nasa Sorsogon ngayon si heart Evangelista, at tumutulong sa kung ano-anong proyekto ng mga kababaihan doon, kasama ang mister na si Gov. Chiz Escudero.

Pero, may mga nagtanong, nagllihi raw ba si Heart ngayon?

Panay kasi ang kain niya ng kamias at santol na sinasawsaw sa patis.

Na kahit super asim ay tila enjoy na enjoy siyang nguyain ang mga `yon, ha!

“One more time. Go! Ang sarap!” sabi niya kahit asim na asim ang mukha niya.

Pero siyempre, super ganda pa rin ni Heart kahit ‘mukhasim’ ang face niya, o kahit pawis na pawis ang kanyang mukha.

Pero `yun nga, bakit nga ba nahihilig sa maasim si Heart ngayon? At kamias at santol pa talaga ang makasabay na nilalantakan niya, ha!

Pero sabi nga niya, noon pa man ay paborito talaga niya ang kamias at santol.

So, may dapat ba tayong abangan, o masyado lang tayong advance mag-isip? Well, abang-abang na lang tayo! Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.