Una sa Balita

Heart nag-renew ng kontrata sa Viva

By
Heart Evangelista
0 4

Muling nag-renew ng kanyang management contract sa VIVA si Heart Evangelista. Naka-limang taon na rin si Heart sa VIVA at ngayon, nag-renew siyang muli for another two years.

Katwiran ni Heart, happy naman daw kasi siya sa pamamalakad ng VIVA sa career niya at wala na rin daw siyang iniintindi. Ilang major endorsements din ang pumasok sa kanya at mga naka-line up pa.

‘Yun nga lang, mukhang malabo raw na makalipat na siya sa ipinapatayong bahay sa may New Manila nga­yong Kapaskuhan. ‘Yun sana ang target ni Heart na by Christmas, nasa bagong bahay na sila pero hindi pa raw siguro kayang matapos by then.

Abante Hiring – IT dep

Doon na silang lahat kasama rin ang kambal na anak ni Senator Chiz Escudero.

Sey ni Heart, iba raw pala talaga kapag bahay, sobrang magastos daw. Dati kasi, nagpa­lipat-lipat man siya ng mga tinitirhan, madalas ay condo unit o townhouse. Ngayon pa lang talaga siya nagpagawa ng bahay na talaga.

‘Yung tinitirhan ni­ya ngayon, plano niyang gawing studio para sa pagpi-painting niya at ang bongga lang dahil next month, lilipad si Heart ng France dahil nakikipag-tie up sa kanya ang isang brand ng bag na ang may-ari ay isa rin sa may-ari ng Hermes.

So far, hindi pa alam ni Heart kung ano ang mga una niyang sisi­mu­lang proyekto pero naka-line up na rin ang pagkakaroon nila ng baby ng asawa.  Kaya natuwa si Heart kung totoo nga raw ang mga chika na ang dating primetime series nila ni Dennis Trillo na Juan Happy Love Story ay gagawin nang sitcom ng GMA 7.

At least, mabuntis man siya, puwede pa rin siyang mag-work at i-adapt ng story. Parang Home Sweetie Home ng ABS-CBN kunsaan, kahit buntis na si Toni Gonzaga, keri pa rin sa kuwento.

Halatang na-excite talaga si Heart dito at sana nga raw, matuloy.