Una sa Balita

Heart mukhang kaelya-elyang manika

0 350

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySi Heart Evangelista na yata ang pinaka-popular local star na fashionista na kahit anong i-post nito sa kanyang Instagram wall, sinusubaybayan, maraming comments at nila-like ng netizen.

Kamakailan lang, pumalo sa higit sa isang libong comments ang rumehistro sa photo post ni Heart na nagtu-toothbrush ito.

Sa nasabing photo, naka-hot pants leather two piece ensemble si Heart na may gold metal design sa kasuotan niya. Tinernuhan itong above the knee suede black boots.

Super-sexy naman kasi ang dating ni Heart na naglantad ng maganda niyang legs.

Mistulang isang titillating doll si Heart sa suot niyang ito na gaganap sa isang role playing sa kama.

Pumalo rin sa higit sa 146k likes ang naturang larawan.

Glaiza, David super rampa sa London

Bukod sa pag-i-enjoy niya sa London para sa acting at film lessons, happy si Glaiza de Castro dahil kasama niya sa pagliliwaliw ang kanyang foreign boyfriend na si David Rainey.

Hindi makikita sa Instagram post ni Glaiza ang mga larawan ng pagsasama nilang dalawa ng kanyang Irish boyfriend pero masisilip ang ilang larawan sa IG wall ng Irish guy.

Magkasama ang dalawa sa Netherlands na makikita sa post ng lalaki sa kanyang IG wall.

Saad ni David sa caption, sumingit lang sila ng pamamasyal ni Glaiza mula sa hectic schedule ng kanilang mga commitments.

Ito na yata ang pinakamahabang panahon na nagsama ang aktres at ang boyfriend, kaya naman sinusulit na nila ito.

May ilang buwan pa bago umuwi ng ‘Pinas si Glaiza at siguradong marami itong kuwento tungkol sa pamamalagi niya sa Europe at sa kasintahan.
*
Ai Ai nagbunyi sa tagumpay ni Romeo

Kabilang si Ai Ai delas Alas sa mga nagbunyi sa pagwawagi ng SMB sa kakatapos lang na finals ng PBA.

Partikular na kinungratulate, pinuri at tinukoy ni Ai Ai ang basketbolistang si Terrence Romeo sa video post nito ng pagwawagi ng team.
Nag-congratulate rin si Ai Ai sa pagkakahirang bilang MVP sa season na ito ni Terrence.

Karga-karga ni Terrence ang anak at isinama ito ni Ai Ai sa kanyang mensahe.

Base sa caption, magkumare at magkumpare sina Ai Ai at Terrence. Ang anak ng basketbolista ay inaanak ni Ai Ai.

Binati rin ni Ai Ai ang asawa ni Terrence.

@msaiaidelasalas, “Congratulations SMB wohoo..pare MVP KA YES!!! Ang mareng madam congrats and my cute inaanak syempre..and sa buong team ng smb.”
Sina Ai Ai at Vice Ganda ay dating super close noong panahong nali-link pa ang komedyante kay Terrence.

Nang lumabas ang balitang itinanggi ni Terrence ang romantic relationship nito kay Vice, kasunod ng paglalantad nito sa kanyang kasintahan, hindi naapektuhan ang pakikipagkaibigan ni Ai Ai sa basketbolista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy