Una sa Balita

Heart, Janine pang-international ang sex appeal

0 481

Nagpasiklaban ang ilan nating mga beauty queen, aktres sa nakaraang New York Fashion Week Summer edition (NYFWS).

Nanguna si Heart Evangelista na suki na sa event bukod sa Paris Fashion Week at todo awra siya sa streets of New York upang ipagmalaki ang kanyang OOTD (outfit of the day) suot ang branded niyang damit, sapatos at bag.

May selfie si Heart sa mga Pinay na sina Nicole Anderson at Laureen Uy na may pasilip din ng kanilang fashionista look.

Hindi nagpahuli si Janine Gutierrez na may litratong rumarampa sa kalye ng NYC suot ang orange dress. First time ng Kapuso actress na dumalo sa fashion week.

Si reigning Miss Universe Catriona Gray ay dumalo sa Runway of Dreams event na ang mga bida ay mga modelo na may iba’t ibang disabilities.

Present din sa event si Pia Wurtzbach at sa isang photo, kasama niya sina Catriona at Miss Universe winner Demi Leigh Nel Peters.

Sa totoo lang, hindi lang pang-local fashion event nagbibida ang fashionista nating celebrities kungdi sa international events din, huh!

Kim Molina ‘nadonselya’ ni Jerald Napoles

Crush ng singer-comedienne na si Kim Molina si Jerald Napoles noon pa mang magsama sila sa rock musical na “Rak of Aegis”. Pero ayaw niyang pansinin that time si Jerald dahil kabi-break lang niya sa boyfriend.

“Gusto ko kasi ‘yung hitsura niya na bad boy. Nag-start sa tuksuhan kasi Kim-Erald sa ‘Rak of Aegis’ eh kinikilig ang mga tao kaya sinakyan na namin. Nagkatotoo.

“Sinakyan ko ang joke. Opo doon nagsimula. Eh bata po ako noon. Batang marupok! Charot! Ha! Ha! Ha!

“Seryoso, bata pa ako at galing sa Saudi at isa pa lang ang naging boyfriend ko. Hanggang sa hala, nagiging totoo na pala ang kilig ko!

“So hayun po!” pahayag ni Kim sa presscon ng movie niyang “Jowable” mula sa Viva Films.

At sa “Jowable”, bukod sa leading man, si Jerald ang nakadonselya kay Kim dahil sa pelikula ay meron silang love scene, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy