Una sa Balita

Heart jackpot sa selfie kay Ji Chang Wook

0 388

Sabay-sabay na naman ang mga fan sa social media na nagsabi ng “Sana Oil (All)” nang makita na may selfie picture ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa KDrama actor na si Ji Chang Wook.

Nasa Singapore kasi ngayon si Heart at natsambahan niya nga roon ang naturang Korean star. Ayon pa kay Heart, tumayo pa si Ji Chang para makapag-picture kasama siya at mga kaibigan nito.

Kung titignan pa ang picture nila, parang si Ji Chang pa ‘yong nagpa-picture kay Heart. Bongga!

Nakatakdang bumisita ang naturang KDrama actor next year (2020). Pero wala pang eksaktong detalyeng sinasabi ang agency kung kailan sa 2020 mangyayari ang pagbisita ng aktor sa bansa. So, mapalad ngang mauna si Heart na makilala nang personal ang Korean actor.

Bida ngayon si Ji Chang Wook sa on going KDrama na “Melting Me Softly” kasama sina Won Jin-ah at Yoon Se-ah.

Kilala rin si Ji Chang na bumida noon sa mga series na “Healer”, “The K2” at “Suspicious Partner”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy