Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart ipapagamot ang konduktor

0 297

Tutulungang maipaopera ni Heart Evangelista ang isang lalakeng humihingi ng tulong sa kanya, para matanggal ang bato nito sa apdo.

Tumugon agad si Heart sa panawagan ng lalake sa tweet na humihingi ito ng tulong. Nag-tweet ang lalake na may account name na @PachejoRomeo ng video na nanawagan sa aktres kaugnay sa hinihingi nitong tulong sa operasyon nito.

SM food to go Banner Ad

Hawak-hawak pa ng lalake ang resulta ng ultrasound copy result ng bato sa kanyang apdo. Kundoktor ng bus ang lalake at walang pera para maipagamot ang sarili.

Tumugon naman si Heart at sinabing “DM pls” na ang ibig sabihin ay direct message. Pag ganito ang tugon sa mga nangangailangan, nangangahulugan ito ng tiyak na assistance. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.