Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart hindi naghuhubo sa harap Chiz

0 176

Kaaliw ang part 2 ng interview ng celebrity beauty doctor na si Aivee kay Heart Evangelista. Marami nga ang nagulat na sa tagal na rin bilang mag-asawa nina Heart at Gov. Chiz Escudero, naibahagi ng aktres na hindi siya basta-basta naghuhubo sa harap ng kanyang mister.

Nagsimula ang chika nila tungkol sa isang misis na humingi ng payo sa kanila, na noong dalaga raw siya, super ganda siya, na palaging muse sa school, pero noong nag-asawa, nagkaroon ng tatlong anak, sinasabihan na raw siyang losyang na.

“Actually I always believe that you should never let go of yourself. Just because nag-asawa ka na, o nagkaanak ka na.

“It’s not being vain, it’s taking care of yourself, for your self-worth. So I feel na dapat ituloy lang. Spice it up a bit.

“You can still do something about all your insecurities,” pahayag ni Heart, karugtong ang pagsasabi na simulan na mag-exercise at kumain ng tama, at siguradong magiging masarap ang pakiramdam nito.

Payo rin ni Dr. Aivee, dapat ang babae, manatiling maganda, para sa kanilang mga asawa. Dahil ang mga lalake nga raw ay ‘always physical’.

“Yes, to inspire him also,” sey ni Heart.

“But actually it’s not that inuuna mo ‘yung kailangan para sa kanya, it’s also for yourself,” hirit pa ni Heart.

Kuwento nga ni Heart, siya raw, kahit sa pagtulog ay nagpapaganda.

“Ako ‘pag natutulog ako, super gown ako. I wear silk dress and pretty robe.

“Wala ka na ngang make up, so gandahan mo na. It really feels good, kahit paggising mo, ang ganda mo.

“My dad would always tell me, ‘you have to leave a little bit for yourself.’ So, if you go to the toilet, close the door. Kung magbibihis ka, dapat ikaw lang.

“Hindi ako nagbibihis sa harap ni Chiz.

“When he sees me naked, he’ll only see me naked when it’s that moment,” sabi ni Heart, na ang tinutukoy nga ay kapag nagla-love making lang sila ng Gobernador.

Dapat nga raw, palaging fresh sa mga mata ng mister ang isang babae.

“Dapat lagi kang fresh sa mga mata niya. Hindi `yung dadaan ka sa harap niya, nagpupulbo ka sa kili-kili, ang pangit.

“My dad would always tell me, kung kaya mas maganda kung separate bathroom kayo.”

SM food to go Banner Ad

At pag-uulit pa ni Heart, never siyang humarap nang hubo’t hubad kay Chiz habang naglalagay ng lotion sa buong katawan.

Kahit nagbago itsura:

‘Di ako retokada — Evangelista

Napag-usapan din nila ang tungkol sa pagpaparetoke. May nagtanong kasi kung dapat bang sabihin ng isang babae na retokada siya.

“If I did anything to my face, my nose, my eyes, I would be proud, honestly!” deklarasyon ni Heart.

“Because mukha ka namang tanga kung ide-deny mo pa, eh, kitang-kita naman. Pero kung hindi naman tanungin, wag mo naman din sabihin.”

Ang dami ngang nagdududa na retoke ang mga mata, ilong ni Heart. Nagbago nga raw kasi ang itsura nito noong bata kung ikukumpara sa ngayon.

Singkit o chinita nga raw ito noon, pero ngayon ay deep set na ang mga mata.

“When you look at my mom, as I got older, I started to look like my mom. Genes ‘yon, eh.

“Hindi talaga, eh!” giit ni Heart, na umamin na bet niyang magpalagay ng collagen sa mga labi niya.

At bilang paglilinaw nga, inulit ni Dr. Aivee ang tanong, kung hindi ba talaga pinagawa ni Heart ang kanyang mga mata, ilong.

“No! And you would know!” sey pa ni Heart kay Dr. Aivee.

“Honestly, the only thing that bothers me, I feel like they think I’m lying when I’m not.

“I hate that! It’s not fair, kasi I really hate lying!” sey pa ni Heart.

Payo pa ni Heart, may mga technique nga raw sa pagmi-make up para magmukang malaki ang mga mata, at pati lips.

Oh, ayan, para sa mga noon pa nagdududa kung retokada nga si Heart, hindi raw talaga.

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.