Una sa Balita

Heart hindi feeling ‘crazy rich’ sa China

0 655

Kumpirmadong hindi nagsu-shoot si Heart Evangelista-Escudero ng pelikulang “Crazy Rich Girlfriend” sa China. Ang “Crazy Rich Girlfriend” ay sequel ng hit film na “Crazy Rich Asians” na dinirek ni Jon Chu mula sa best-selling novel ni Kevin Kwan.

Ayon sa isang source, hindi pa raw nasusulat ang script para sa “Crazy Rich Girlfriend” at sa 2020 pa magsisimulang mag-shoot para rito.

“Chu is currently working on the feature adaptation of the Tony Award winner In the Heights, and once that goes into post, he’ll likely prep Crazy Rich Asians 2 & 3 for a 2020 shoot,” ayon pa sa article ng Deadline magazine.

Hindi rin daw available ang ibang cast ng “Crazy Rich Asians” dahil ang iba sa kanila ay nasa mga studios ngayon filming para sa bagong season ng kanilang kinabibilangan na TV shows. Tulad ni Constance Wu na merong “Fresh Off The Boat” comedy series at si Nico Santos naman ay kasama sa series na “Superstore.”

Nagkasama-sama ang cast ng “Crazy Rich Asians” sa katatapos lamang na 2019 Critic’s Choice Awards sa Santa Monica, California dahil napanalunan nila ang Best Comedy Film award.

Ilang netizens ang nag-assume na kaya nasa bansang China si Heart ay dahil nagsu-shooting na raw ito para sa much-awaited sequel kunsaan siya raw ang gaganap sa role na Colette Bing.

Pero nasa China si Heart para sa ibang dahilan na hindi niya nire-reveal. Panay lang post ni Heart sa Insta­gram ng kanyang mga pinapas­yalan na magagandang lugar ng bansa.

Heto ang isa sa mga naging post niya:

“As I take a look at this wonderful city skyline, I take a breath and give thanks for all that has been, all that is, and all that will be. Living every day with a grateful heart.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy