Una sa Balita

Heart feeling Audrey Hepburn

By
0 435

Feeling Audrey Hepburn si Heart Evangelista-Escudero nang ipakita nito ang kanyang bagong hairstyle. Naka-full bangs si Heart sa kanyang latest photo shoot para sa kanyang clothing line na ilalabas na very soon.

Dahil isang style icon na nga si Heart, marami ang gustong gayahin ang kanyang hairstyle ngayon. Sa isang Instagram Story ni Heart, mapapanood na siya mismo ang naggupit ng bangs niya.

Binabagay lang daw ng aktres ang kanyang fashion line sa new look niya na fresh and modern.

Tungkol naman sa kanyang fashion line, nakipag-collaborate si Heart with Kamiseta para maisakatuparan ang kanyang designs. Mga images ng paintings ni Heart ang mismong print ng kanyang fashion line.

“A full collection of the clothing line I designed with @kamisetaph featuring my art will be released very soon. Stay tuned!” post pa ni Heart sa IG.

Noong nakaraang September 2018 during New York Fashion Week ay na-test run na niya ang kanyang fashion line. Sinuot na niya ang kanyang mga designed skirts habang uma-attend siya ng ilang fashion shows sa NYC.

“It’s the most surreal feeling to wear your own work! This is coming very soon,” caption pa ni Heart sa isang IG post niya.