Una sa Balita

Heart Evangelista bongga ang karanasan kay Christian Louboutin

By
0 39

Wow! Dream come true para kay Heart Evangelista ang makaharap nang personal ang kanyang idolong designer na si Christian Louboutin lang naman, huh!

Grabe talaga ang mga ngiti ng isa sa mga totoong syala sa local showbiz dahil hindi lamang niya na-meet ito face-to-face, isinayaw pa siya nito, ha?

Hindi basta-basta puwedeng sabihing isang fake fan si Heart ni Louboutin dahil noon pa man ay ipinakita na niya ang collection niya ng shoe brand’s nude pumps.

And remember, nu’ng kasal nila ni Chiz Escudero ay suot-suot niya ang isang pares ng Louboutin Daffodile Strass Swarokski crystal flat form heels lang naman, huh!
Syala kung syala, devah?

Nasa bansa ngayon ang French designer para isa isang fashion gala. At isa nga si Heart sa VIP guests na invited, and take note, katabi pa niya sa upuan ang kanyang idolo.

Dyusmio, siguro ay nangatog na ang mga ‘legacy’ ni Heart at mabuti hindi ito hinimatay, noh! Sigurado kami na hindi nakatulog magdamag ang Kapuso actress dahil sa chance of a lifetime meeting niyang ito kay Christian Loubouton lang naman, huh!
Wanna bet? Chos!