Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart ‘di nagpakabog kina Longoria, Aguilera

0 433

Ang bongga talaga ni Heart Evangelista dahil nanalasa na naman ang kanyang ganda, fashion style sa Cannes International Film Festival.

Kasama lang naman si Heart sa mga sikat na celebrity gaya nina Eva Longoria, Christina Aguilera na na-feature sa tweet account ng @MetGala at may hashtag na #CannesFestival.

Ka-level na nga ni Heart ang mga kilalang personalidad sa buong mundo, na may mga snap-shot sa kanilang social media account.

Sa dami ng mga magagandang babae at kilala rin sa iba’t ibang panig ng mundo, nabigyan ng pansin si Heart sa kanyang red carpet appearance para sa American Foundation For Aids Research o AMFAR sa Cannes Festival.

Ni-retweet ni Heart ang larawan niyang na-feature sa nasabing Twitter account ng festival, kung saan makikitang naka-baby pink gown ang aktres.

Ang kakaibang ganda, fashion style ni Heart ang rason kung bakit napukaw ang atensyon ng mga paparazzi.

May dapat ipagpapasalamat ang showbiz industry kay Heart. Iniaangat niya ang pangalan ng bansa sa kanyang representasyon sa mga ganitong malalaking pagtitipon. At sarilng gastos niya ang pagpunta sa mga event na ganito bitbit ang kanyang buong team.

Robin, Mariel todo rampa sa Spain

Nasorpresa ang mga netizen dahil sa pagsulpot ni Robin Padilla sa Seville, Spain para samahan ang misis niyang si Mariel Padilla, at dalawang anak.

Nasa Instagram ni Mariel ang mga larawang nagpapakita na kapiling na nila ang actor-politician.

“We are complete,” sabi ni Mariel.

Walang nakaalam na susunod si Robin sa kanyang pamilya. Hindi rin naman nabanggit ni Mariel sa kanyang mga naunang post ito.

Asahang susulitin na nina Mariel at Robin ang kanilang mga oras na magkasama, lalo at matindi ang magiging bakbakan ng aktor sa Senado.

May kailangang patunayan si Robin sa mga nagluklok sa kanya sa pagiging number 1.

Internet provider nataranta sa tweet ni Alex

Umaangal ang mga netizen sa isang telecommunication company dahil sa ginawa nitong agarang pagtugon sa panawagan ni Alex Gonzaga, kaugnay sa mahabang paghihintay sa internet connection.

Matapos kasing talakan ni Alex sa tweet at kunsensyahin ang matagal na pandidedma ng team sa kanyang mga pakiusap, mabilis na nag-reply ang kumpanya at nangakong gagawin agad ang kanyang internet connection.

Hindi pa umaabot ng isang araw naibalik agad ang internet ni Alex at nag-tweet pa ito na nagagamit na niya ang internet.

Mababasa sa mga tweet kay Alex na kapag sikat na artista may tugon agad ang mga internet provider company, samantalang sa mga normal na citizen balewala lang sa kumpanya ang kanilang pakiusap.

May mga nag-akusang pinapaboran si Alex dahil presidente na ang sinuportahan ng kanyang ate Toni Gonzaga.

Siyempre, walang reply si Alex dahil masaya siya sa pagkakaroon uli ng internet connection.

Leave A Reply

Your email address will not be published.