Una sa Balita

Heart designer ng mga alahas sa Paris

0 389

Tuloy-tuloy ang pamamayagpag ni Heart Evangelista sa mga international brand sa ibang bansa. Matapos siyang maki­pag-collaborate ng design ng mga bag sa Sequoia Paris, sa isang kilalang jewelry brand na Gasbijoux, Paris naman nagbahagi ng kanyang design ang Kapuso star.

Naka-post sa Instagram ni Heart ang video na nagpapakita ng bracelets, earrings at necklace na siya mismo ang nag-design para sa Gasbijoux.

Sa Paris mismo ginawa ang mga nasabing pieces of jewelry na ayon kay Heart ay ilalabas sa store ng Gasbijoux sa France at sa online sa mga susunod na buwan.

Ipinasilip lang ni Heart sa socmed ang latest collaboration niya sa isang international brand.

Nakaposte rin sa socmed account ng Gasbijoux si Heart at ang kanyang designed jewelries.

Bukod sa bags, alahas, may collaboration din si Heart sa damit (Kamiseta) at sa L’Oreal. Isinalin ang painting designs ni Heart sa mga damit ng Kamiseta at sa packaging naman ng lipstick at makeup box naman ng L’Oreal.

Kaya madalas magpunta sa Paris si Heart dahil sa mga deals and negotiations niya sa nabanggit na fa­shion brands. Si Heart na yata ang natatanging Pinay actress na nagkaroon ng creative partnership sa mga fashion brand sa Paris. (Rey ­Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy