Una sa Balita

Heart dedma sa tawag na baog

By
0 3,317

Dedma lang si Heart Evangelista sa mga nangba-bash sa kanya na kesyo ‘baog’ o kung anuman dahil lang sa hindi pa sila nagkakaroon ng anak ni Senator Chiz Escudero.

When in fact, si Heart mismo ang nagsasabi na hindi pa talaga naka-plan at yung bahay ang una niyang tinapos.

This year nila plano talaga na magkaroon ng baby ng mag-asawa kaya kung talagang ipu-push nito ang plano na ‘wag munang tumanggap ng anumang teleserye raw.

More on endorsements lang daw ang gagawin ni Heart ngayon, ang Royal Gem at Nescafe Gold na ang una. Mabilis at light-light-an lang ang paggawa ng endorsements unlike teleserye na magdamagan at pagod talaga.

Bukod dito, ang pagpi-paint ang hinaharap ni Heart ngayon. May exhibit siya sa Ayala Museum next year at ang pinaka-pinaghahandaan pa niya ang exhibit niya sa 2019 kunsaan, doon na ang malalaking painting na yung iba ay ginagawa pa niya ngayon.

 

Megan nagalit nang sigawan ni Mikael

Naging isyu pala sa real-life sweethearts na sina Mikael Daez at Megan Young ang batuhan scene nila sa The Stepdaughters.

Ito yung binato ng sapatos ni Megan si Mikael. May fear si Megan na kapag binato niya ay totoong masaktan ang boyfriend.

Nasigawan ni Mikael si Megan ng “Hoy! Ibato mo na nang malakas ‘yan! Kakayanin ko ‘yan!”

Doon lang daw na-motivate si Megan at binato na nga ng bongga si Mikael. Since first time nilang dalawa na magkasama sa isang teleserye, ngayon na-realized ni Mikael ang mga advantage at disadvantage ng real-life couple on screen.

Kung may pinagdadaanan din daw kasi sila sa totoong buhay at may eksenang gagawin, dapat lang na iisantabi ito.

Pero siyempre, naiisan­tabi ang mga disadvantage ng thought na magkasama sila hindi lang outside work, maging sa trabaho rin, magka-bonding sila.

Nasagot na pareho nina Megan at Mikael ang tungkol sa live-in. Mara­ming nag-assume na live-in na sila lalo na at bumili ng bagong unit si Mikael. Pareho raw silang may kanya-kanyang bahay pero kung sakali man at gawin nila ito, pareho na raw silang adult to make their own decision and own up to it.

Sa ngayon, happy ang dalawa dahil since pilot ay mataas ang rating ng The Stepdaughters at marami na ang apektado sa kuwento.