Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart ‘Death threat’ ang almusal

0 71

Sobrang busy ni Heart Evangelista dahil kahit na sabihin pang sa July pa lang siya magsisimula ng lock-in taping para sa bagong serye sa GMA-7, ang “I Left My Heart in Sorsogon,” ang dami niyang pinagkaka-abalahan.

‘Yung mga collaboration niya sa iba’t ibang artists at fashion, painting niya at mga businesses niya. Tipong 5:30 a.m, daw halos everyday, gising na siya.

Kaya nang may magtanong dito sa pa-“Chika Friday” niya sa Instagram kung paano niya hina-handle ang mga taong nagsasabi ng masasama sa kanya, nag-quote si Heart ng litanya ng namayapang Senator Mirian Defensor-Santiago na, “I eat death threats for breakfast.”

“Every bash is equivalent to a blessing. Ohhh keep em coming… you don’t understand how instant God’s power works. If I can only say,” sey pa niya.

Kung may pinagsisihan daw ba ito na ginawa niya dahil sa trabaho, ito raw ‘yung hinayaan niya ang ibang tao na diktahan siya.

“Allowed people to dictate how I should be. As I celebrate the real me today, I am able to achieve more because I’m happy. Unlike before I was just a robot but in a way I still don’t regret anything because after 23/24 years in showbiz all of that made me a better person.”

Pokwang banta kina Ai-Ai, Eugene sa GMA

Level-up ang magiging drama ni Pokwang ngayong nasa Kapuso na siya. Level-up in the sense na hindi na lamang siya sa pagpapatawa at drama mapapanood, mukhang kasama sa naging negosasyon niya ang maging isang host ng sariling show.

Nabanggit ni Pokwang sa kanyang online mediacon na isa sa gusto niyang gawin sa pagiging Kapuso na niya ay maging “Anthony Bourdain.”

Kaya parang kinilig ito at natatawa nang sabihin namin na siya pala ang female Anthony Bourdain.

Hindi nakakapagtaka na pangarapin ni Pokwang ang magkaroon ng sariling cooking show dahil known ito sa husay at sarap magluto.

“Alam naman natin na cooking is my passion talaga. Travel… alam mo, gusto kong maging babaeng Anthony Bourdain. Sobrang idol na idol ko siya. Kaya noong namaalam siya sa mundo, hindi ko talaga matanggap,” sabi niya.

Dati raw, palagi niyang dala tuwing aalis siya ng bansa ang book nito, hoping na makasalubong at mapapirmahan niya.

“Palagi ko siyang bitbit tuwing pupunta ako sa ibang bansa. Na just in case na makasalubong ko siya, papa-autograph ko kako.

“Pero ngayon, parang hindi ko naman siya gustong masalubong. Kasi, iba na ‘yun. Hahaha!”

Bukod dito, kahit marami ang nagsasabing malaking banta siya, promising din naman ang naisip niyang sana ay makagawa sila ng mala-Sis ng mga kumare niya na sina Ai-Ai delas Alas at Eugene Domingo.

Pero dahil mga Titas na sila, ang title na raw ng show nila ay “Tits!” at saka ito natawa sa sariling ideya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.