Una sa Balita

Heart-Chiz gimik super benta sa mga fan

By
0 464

Cheesiness overload sa Twitter ang post ni Sen. Chiz Escudero kung saan ipinakita niya sa mga netizen ang kanyang braso na drino­wingan ni Heart ng cheese.

Nagsimula kasi ang gimik na ‘yan nu’ng nagpa-tattoo si Heart sa kamay ng puso which is sumisimbolo nga sa kanyang pangalan na kinatuwaan naman ng mga fan at pabiro namang nag-suggest ang mga netizen na dapat si Sen. Chiz rin ay may tattoo na cheese dahil sumisimbolo rin iyon sa kaniyang pangalan.

Well, mukhang madali ngang kausap si Sen. Chiz at tinupad ang kahilingan ng mga netizen! Nagpa-drawing nga si Chiz kay Heart bilang alam nitong artistic ang kaniyang asawa.

“Testing” lang daw muna ang drawing ni Heart sa kanya at agad nga nakuha ang atensyon ng mga netizen, super duper kilig to the bones nga raw ang mga fan sa gimik ng mag-asawang Heart at Chiz.

Natutuwa rin sila na in pa rin sa kulitan si Chiz kahit ang edad ay lagpas na sa kalendaryo. Bongga at havey para sa mga netizen ang kulitang Heart at Chiz.

Pero mas havey ang kalokohang pinagkakaguluhan ng mga netizen sa Twitter, ginawa pang biruan at nag-suggest na sana raw ay magpa-tattoo rin si Sen. Dick Gordon sa kamay at siyempre alam na kung ano ang posibleng sumisimbolo sa pangalan niya.

Marami pang naiisip na kalokohan ang mga netizen sa Twitter! Mayroon pang nagpakulo ng headline na “Heart, nagtampo dahil di pumayag si Chiz ibudbod sa spaghetti”

Mayroon ding biruan na “Dick Gordon left the coversation.” Aba’t silipin niyo ang mga reply sa twitter ni Sen. Chiz siguradong maloloka kayo sa kalokohan ng mga netizen!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy