Una sa Balita

Heart Center ng mga Bikolano handa nang magserbisyo

0 329

Hindi na kailangan pumuntang Manila ang mga Bikolano kung may sakit sila sa puso.

May sarili na silang Heart Center sa Bicol Regional Training­ and Teaching Hospital (BRTTH) sa Legazpi.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda na nagsikap para mapondohan ang P300M Bicol Regional Heart Center, ang pasi­lidad ay ugnayang proyekto ng BRTTH at Philippine Heart Center. Pang-apat­ na ito sa buong bansa. Mayron itong mga espesiyalistang doktor at modernong mga kagamitan, kasama ang para sa ‘2D echo-cardiogram, coro­nary angiogram, angioplasty, pacemaker insertions, bypass-graft and open surgery.’ .

Sa pamamagitan ng BRTTH Heart Center, puna ni Salceda, makatitipid sa gastos at pagod ang mga Bikolano. Mahi­git 10 oras ang biyahe sa pagitan ng Legazpi at Manila. Bukod sa mga Bikolano, mapaglilingkuran din nito ang mga pasyen­te mula sa Eastern Visayas. Ina­asahang mapagseserbisyuhan nito ang mga 4,000 pasyente sa isang taon sa mga panga­ngailangan nila.

Mayron ‘15 private and 20 semi-private wards, 5 executive suites, 9 coronary care unit, 3 operating room, and six emergency room — three for adults and three for children’ ang pasi­lidad. Mayron din itong 7 ‘recovery room’ bukod sa 7 reserbadong iba sa karatig na ‘kidney center.’

Kamakailan, inihain niya ang House Bill 8856 sa Kamara na naglalayong lakihan sa 800 mula 250 ang ‘bed capaci­ty’ ng BRTTH na dating isang ‘US Army barracks hospital,’ lalong pabutihin ang mga pasi­lidad at dagdagan ang mga tauhan nito para matugunan ang pangangailangang medikal ng buong Bikol na sumasaklaw sa mga mga lalawigan ng Camarines Norte, Camaines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate at Ca­tanduanes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy