Una sa Balita

Heart bumida sa Singapore mag

0 330

abante-i-know-better-jun-nardoIdinispley ni Heart Evangelista ang pagiging fashionista niya sa first print issue ng Buro, Singapore. Tanging siya lang ang Pilipina na featured sa cover.

Nakalagay sa IG ni Mrs. Chiz Escudero ang cover at sa caption niya, “Breaking boun­daries one day at a time – this time, wea­ring a bright pink power suit! I am so humbled to be part of the first ever print issue of @buro.singapore. What an enriching experience this has been.”

Sa bio ng Buro, Singapore, nakasaad ang, “The latest in fashion and contemporary culture told through an Asian lens.”

Ai-Ai ibinili ng bahay ang Ex Battalion

Buong ningning na ipinagmalaki ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram ang katuparan ng isang pangarap niya sa mga alagang Ex Battalion – isang bahay na tinawag niyang Ex-B House!

Ang paniniwala sa talento ng grupo ang rason kung bakit niya hina­wakan bilang artist ang rap group.

“Gusto ko silang tulungan maiangat ang buhay nila at pamilya nila dahil naniniwala ako sa talento ng mga batang ito…kahit marami ang nang-bash sa kanila dahil sa personal nilang buhay hindi din naman matatawaran na genius naman talaga pagdating sa kantahan at rap…

“Kayang gumawa ng kanta pag gusto nila ng mabilisan at may katuturan…salamat sa DIYOS at may mga naipundar naman… proud mama,” caption ni Ai-Ai sa pictures at video ng Ex-B House.

Bukod kasi sa musika, lumarga naman ang Ex Battalion sa movie dahil full length ang role nila sa Viva movie na “Sons of Sabel” kung saan makikipagsabayan sila sa aktingan sa Comedy Queen, huh!

Eh dahil sa post ni Ai-Ai, aba, nagsunod-sunod ang komento na gusto siyang kunin na manager, huh!

Ngayong Mahal na Araw, laging nagsasagawa ng tradisyunal na Pabasa sa kanilang bahay si Ai-Ai.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy