Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Heart bulkan pag nagalit: Nakakatakot ‘pag nag-explode — Chiz

0 414

Benta ulit sa mga netizen ang Instagram live ni Heart Evangelista, na kung saan ay guest na naman niya si Gov. Chiz Escudero. Ang bongga kasi kung paano sila ‘magtalakan’, na si Chiz ay super cool lang, at si Heart ay napapataas ang kilay.

Tinanong nga kung sino sa kanila ang mas matalak?

“Ako mas matalak sa aming dalawa? Do byou think I’m matalak? No! I’m a volcano. Why? It takes time bago ang kaboom!” sabi ni Heart.

“Yeah, pero nakakatakot pag nag-explode!” sabi ni Chiz.

“Yeah, kesa everyday na… ‘asan na ‘yung ganiyan?’ What do you want? Everyday na maingay? I don’t want that!” sabi ni Heart.

Sino mas clingy?

“Lately si Chiz mas clingy. Habang tumatanders (tumatanda) mas nagiging clingy. Pero, ang nakakatakot sa kanya, pag titigilan niya pagiging clingy, ang balik noon, ‘bakit hindi ka nagti-text, bakit hindi mo sinasagot…’ Ganun siya,” sabi ni Heart.

“Mali… Mali…”tutol ni Chiz na sinabayan ng tawa.

Tanong kay Heart, payag ba siyang gumawa ng movie na kasama si Chiz at ex-dyowang aktor?

 “Wag na lang! Okey na tayo, eh! Charot! Hahaha!” sabi ni Heart.

Anyway, sa huli, pinayuhan lang nila ang mga netizen na dapat palaging happy lang sa buhay. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.